Twit Twit Twit
Twit, Twit, Twit, nasaan ka ina?
Saan nagpunta?,kami'y nagtaka na
Pagkain namin, 'di mo ba alintana?
Sikmura'y kumakalam, kami'y gutom na.
Inay! Umuulan na sa ibabaw
Katawang hubad, binalot ng ginaw
Kami'y nananabik na sa lugaw
Sa init ng sabaw, masarap magtampisaw
Umaasang ika'y babalik na
Inaabangan ang iyong pagkaway
Sabik mahawakan ang iyong kamay
Nay! Umuwi ka na, pls. nay! .
Nakagawa ako ng tula dahil sa mga ibon na ito na iniwan ng kanilang ina. Ang mga ibon na ito ay maaaring mahahalintulad sa mga batang lansangan na iniwan din ng ina. |
Comments
Post a Comment