#SaSilidAklatan

FSUU, may silid-aklatan
Tangelder Library ang pangalan
Sosyal kung pagmasdan
Mga estudyante nagaganahan

Paboritong tambayan
Mga babaeng nag-gagandahan
Sino naman ang ‘di magaganahan
Aircon, lamig binubugang marahan

‘Di lang libro ang kaharap
Pati na rin magarang laptop
Kunwari may hinahanap
Anime pala sinusulyap

Wifi, madali lang ang access
Fb-status, “tuon ta kay naay quiz”
Nag-iinsta dahil signal ay mabilis
Picture,caption: “before sa quiz”

Lugar ito sa mga hilig bumasa
Tuwing exam, estudyante dito’y dagsa
Mga utak ay dito hinahasa
Upang sa exam ay pumasa

Gusto mo nang tumawa
Ngunit pinigilan mo pa
Pantomime ang labas ng mga gwapa
Takot kay Ms. Librarian, Adah!


#SaSilidAklatan ng FSUU
Magaganahan talaga kayo
Mayayaman sa aklat, handog sa inyo
Bongga sa aircon, wifi, sulit ito.

Comments

Popular posts from this blog

CLASH OF CLANS

3-in-1 Trip

Namana