Sana’y Tangayin Na
Isang
kaibigan, natutunang mahalin
Pangako
sa sarili siya lang ang iibigin
Oh
kay sakit, umaasa na ako ay mahalin din
Ngunit
tila nabagsakan ng bato, friendzone pa rin.
Puputi
na lamang siguro ang uwak
Nandito
pa rin ang sakit, hawak-hawak
Kung
lulunukin isang pilsen ng alak
Siya’y
limutin, wala pa ring balak.
Oh
hanging galing sa Camiguin
Ibig
kong iyong tangayin
Sakit
na namuo dito sa akin
Sana’y
tuluyan mo nang waksiin.
Pumarito
ka sariwang hangin
Isama
mo ang sakit sa bukirin
Ibaon
mo ito sa malapit na bangin
Upang
wala ng poot na dadamdamin.
Comments
Post a Comment