3-in-1 Trip

Pamilya, nagplano mag-outing
Saan kaya magroadtriping?
Saan kaya maghiking at magswimming?
Saan kaya magpicture-taking?
Bye,bye muna Buenavista
Lawit, Gingoog City aming punta
Tiklas Falls doo’y makikita
“Excited”, sa mukha nami’y pintang pinta
2hrs. aming binyahe’t nilakad
Bundok niyakap kami agad-agad
Talon, ganda’y lantad na lantad
Hapo’t pagod nami’y pinawi agad
May pool hatid ay ginaw
Aming sabi’y “Grrr ka-tugnaw”
Klarong klaro sa aming balintataw
Tubig doo’y “crystal clear”, napakalinaw
Pagkakatao’y aming sinulit
Gingoog City proper, aming next visit
Architectural works na prutas, “This is great”
Kami’y nagpapicture, ang kukulit.
Paalam na Gingoog park
Kami’y didiretso na sa Marcos park
Kotse’y aakyat sa bundok, doo’y nagpark
Doo’y nasabi, “This is God’s great art”.
Marcos park, bundok humalik sa langit
Wari’y ulap,amin nang nasusungkit
Hangin, niyakap kami nang mahigpit
At sa ami’y humalik nang malagkit
Isang araw na puno ng saya
Aming baon ay balde baldeng saya
Ngiting hindi mapapalitan ng barya
Trip na ito’y parang 3-in-1 nescafe,
siksik sa sarap at parang Jollibee
Trip na ito’y “Bida talaga ang saya”

Comments

Popular posts from this blog

CLASH OF CLANS

Namana