Bumango’t Magpatawad
Umpisa’y
maligaya
Sumasayaw pa sa saya
Katawa’y umiindak
At paa’y sumisindak
Ngunit
nagkalabuan
Dumilim ang samahan
Siya’y lumayo nang dahan-dahan
Umiyak ka nang marahan
Hindi nagkaintindihan
Iniwan ka ng tuluyan
Hindi sinupurtahan
At walang pakialam
Buhay
mo’y masalimuot
Kahit saan na sumusuot
Ang galit ay iyong sinuot
Pati poot ay ‘yong sinaplot
Waksiin mo ang pagdaramdam
Palitan ng kapatawaran
Ligaya’y iyong maaasam
Dito sa buong santinakpan
Ngumiti ka ng todo
Upang gumanda lalo
‘Wag kang magpapatalo
Sa problema ng mundo
Ngayon
na ang panahon
Upang ika’y bumangon
Lumabas na sa kahon
At harapin ang bagong taon.
Comments
Post a Comment