Posts

Showing posts from 2015

CLASH OF CLANS

Image
Nag-umpisa, isa pang weak Sumali sa clan, walang imik Baguhan pa lang kaya tahimik Ito po 'yong village ko. 'di na po ako masyadong naglalaro nito  Haha ayokong ma-adik! Lalo pa't guro na ako ngayon. Sa clan war, Maria ay sabik. Hinabaan ang pasensya Matulog ng 2am, kinakaya "Sasalakayin ko village ni Terya" 10,000 loot gained, ang saya. Oh! sa village may nag-raid Depensa: archer, na-dead Bomb, canyon, 'di pa na-upgrade Tuloy! Village ay dread. "I need reinforcement", tulong! Salamat nagbigay si Asyong "Revenge", bulalas ni Maria, sulong! "Attack", Maria hindi uurong. Nakuha ang gold ni Terry Maria parang nanalo sa lottery Bulalas, "Let's be merry" Town Hall e-upgrade na naman atey! Depensa ng village, pinalakas Attacker walang takas Giant, barbarian, nag-aaklas Level III na sila sa wakas. ...

Sana’y Tangayin Na

Isang kaibigan, natutunang mahalin Pangako sa sarili siya lang ang iibigin Oh kay sakit, umaasa na ako ay mahalin din Ngunit tila nabagsakan ng bato, friendzone pa rin. Puputi na lamang siguro ang uwak Nandito pa rin ang sakit, hawak-hawak Kung lulunukin isang pilsen ng alak Siya’y limutin, wala pa ring balak. Oh hanging galing sa Camiguin Ibig kong iyong tangayin Sakit na namuo dito sa akin Sana’y tuluyan mo nang waksiin. Pumarito ka sariwang hangin Isama mo ang sakit sa bukirin Ibaon mo ito sa malapit na bangin Upang wala ng poot na dadamdamin.

Bumango’t Magpatawad

Umpisa’y maligaya Sumasayaw pa sa saya Katawa’y umiindak At paa’y sumisindak Ngunit nagkalabuan Dumilim ang samahan Siya’y lumayo nang dahan-dahan Umiyak ka nang marahan Hindi nagkaintindihan Iniwan ka ng tuluyan Hindi sinupurtahan At walang pakialam Buhay mo’y masalimuot Kahit saan na sumusuot Ang galit ay iyong sinuot Pati poot ay ‘yong sinaplot Waksiin mo ang pagdaramdam Palitan ng kapatawaran Ligaya’y iyong maaasam Dito sa buong santinakpan Ngumiti ka ng todo Upang gumanda lalo ‘Wag kang magpapatalo Sa problema ng mundo Ngayon na ang panahon Upang ika’y bumangon Lumabas na sa kahon At harapin ang bagong taon.

#SaSilidAklatan

FSUU, may silid-aklatan Tangelder Library ang pangalan Sosyal kung pagmasdan Mga estudyante nagaganahan Paboritong tambayan Mga babaeng nag-gagandahan Sino naman ang ‘di magaganahan Aircon, lamig binubugang marahan ‘Di lang libro ang kaharap Pati na rin magarang laptop Kunwari may hinahanap Anime pala sinusulyap Wifi, madali lang ang access Fb-status, “tuon ta kay naay quiz” Nag-iinsta dahil signal ay mabilis Picture,caption: “before sa quiz” Lugar ito sa mga hilig bumasa Tuwing exam, estudyante dito’y dagsa Mga utak ay dito hinahasa Upang sa exam ay pumasa Gusto mo nang tumawa Ngunit pinigilan mo pa Pantomime ang labas ng mga gwapa Takot kay Ms. Librarian, Adah! #SaSilidAklatan ng FSUU Magaganahan talaga kayo Mayayaman sa aklat, handog sa inyo Bongga sa aircon, wifi, sulit ito.

E vs. I

Juana, dila’y pilipit Tila kalamay na malagkit Tawanan agad, oh kay sakit Kawawa naman ang pipit Imbis, “Get rid of it” Naging, “Get red of it” Imbis, “You’ll get addicted” Naging, “You’ll get addected Bulalas ang tawang “Ha-ha” Ng mag-kaibigang gwapa Huwag kang maasar sa kanila Mami-miss mo rin sila.

3-in-1 Trip

Image
Pamilya, nagplano mag-outing Saan kaya magroadtriping? Saan kaya maghiking at magswimming? Saan kaya magpicture-taking? Bye,bye muna Buenavista Lawit, Gingoog City aming punta Tiklas Falls doo’y makikita “Excited”, sa mukha nami’y pintang pinta 2hrs. aming binyahe’t nilakad Bundok niyakap kami agad-agad Talon, ganda’y lantad na lantad Hapo’t pagod nami’y pinawi agad May pool hatid ay ginaw Aming sabi’y “Grrr ka-tugnaw” Klarong klaro sa aming balintataw Tubig doo’y “crystal clear”, napakalinaw Pagkakatao’y aming sinulit Gingoog City proper, aming next visit Architectural works na prutas, “This is great” Kami’y nagpapicture, ang kukulit. Paalam na Gingoog park Kami’y didiretso na sa Marcos park Kotse’y aakyat sa bundok, doo’y nagpark Doo’y nasabi, “This is God’s great art”. Marcos park, bundok humalik sa langit Wari’y ulap,amin nang nasusungkit Hangin, niyakap kami nang mahigpit At sa ami’y humalik nang malagkit Isang araw na puno ng saya Aming baon ay...

Twit Twit Twit

Image
Twit, Twit, Twit, nasaan ka ina? Saan nagpunta?,kami'y nagtaka na Pagkain namin, 'di mo ba alintana? Sikmura'y kumakalam, kami'y gutom na. Inay! Umuulan na sa ibabaw Katawang hubad, binalot ng ginaw Kami'y nananabik na sa lugaw Sa init ng sabaw, masarap magtampisaw Umaasang ika'y babalik na Inaabangan ang iyong pagkaway Sabik mahawakan ang iyong kamay Nay! Umuwi ka na, pls. nay! .  Nakagawa ako ng tula dahil sa mga ibon na ito na iniwan ng kanilang ina. Ang mga ibon na ito ay  maaaring mahahalintulad  sa mga batang lansangan na iniwan din ng ina.