ENERO 2020

Enero 2020
ni: Ma. Arem Christine A. Jamero

Enero! sinalubong ka namin ng ngiting may spark
Bakit sinuklian mo kami ng sakit sa heart?
Sinampal mo kami ng problemang sanhi ng paghihimutok
Suliraning "tibook kalibutan naghinuktok!

Enero! hinarap ka namin ng pusong nagliliyab
Akala ng buong mundo na ito'y ilaw-dagitab
Australia bushfire na pala, luha'y pumatak
'Di mapigilan ang pag-agos, luha'y dumanak

Enero! Oo naaliw kami sa makukulay na paputok
Napalitan ito ng lungkot nang Bulkang Taal pumutok
BatangeƱo, CaviteƱo, maging mga hayop, nadama ang dagok
Naipinta sa kanilang mukha ang sakit na talagang nanunuot

Enero! Hulyaw nami'y tama na, 'di na masaya
Dumagdag pa ang isang banta: Iran vs. America
Mundong tinatapaka'y napakagulo
'Di maintindihan kailan kaya magkasundo

Enero! sobrang sobra na ang lungkot na nadama
'Di na masisilayan ang ningning ng isang star
Sa iyong pagkawala Kobe, buong mundo'y naghinagpis
'Di na masusulyapan ang iyong galing at ngiting matamis

Enero! May ididilig ka pa bang problema?
Akala ko wala na, ano itong virus na kalat na?
nCOV na galing sa China, pls tama na
Sigaw namin sana'y lunas mahanap na!

Ang lahat ng ito'y mga pagsubok lamang
Malalampasan rin ito, paa'y ihakbang
Buhay ay ipagpapatuloy, 'di tayo patitinag
Gawin ang kayang gawin upang may ambag!


Comments

Popular posts from this blog

CLASH OF CLANS

3-in-1 Trip

Namana