Halaga ng Piso


Buhay ng OFW, ‘di kaluwalhatian
Sa puso nila’y dama ang kapighatian
panibugho, pangungulila’t kalungkutan
Sa araw ng kanilang paglisan.

OFW sa Abu Dhabi, isang kasambahay
Tagapagluto at tagapaglinis ng bahay
Kaya naman ang katawa’y nangangalay
Napawi ang pagod ng “dirham” ay ialay.

Waiter at entertainer sa Japan
Janitor at utusan pa sa isang tangggapan
Talagang tinitiis ang kadukhaan
“Yen” naman ang kapalit, ito’y kaligayahan.

Sa pinas ‘di natiis ang pangangalakal ng yero
Nakikipagsapalaran sa Kuwait, naging karpintero
At tumatanggap ng “Kuwaiti Dinar” bilang kantero
Sa puso ng anak siya’y isang “hero”.



Nakapunta ng Amerika ngunit ‘di turista
‘Di rin lumipad upang mag-artista
Ngunit siya’y caregiver, minsa’y inaalipusta
Bahala na raw, dolyar na ito : panggasta.

Dirham at yen ipinagpalit ng piso
Dolyar at dinar malaki ang halaga nito sa piso
Pinadala sa Pinas, maraming nagsusumamo
Minsan nga’y may nagrereklamo.


OFW ay ‘wag ninyong pagreklamuhan
Sila’y nagsumikap upang kayo’y mabihisan
Mabihisan ang kadukhaan at kahirapan
Kaya’y sila’y mahalin at pahalagahan.




Comments

Popular posts from this blog

CLASH OF CLANS

3-in-1 Trip

Namana