Posts

ENERO 2020

Enero 2020 ni: Ma. Arem Christine A. Jamero Enero! sinalubong ka namin ng ngiting may spark Bakit sinuklian mo kami ng sakit sa heart? Sinampal mo kami ng problemang sanhi ng paghihimutok Suliraning "tibook kalibutan naghinuktok! Enero! hinarap ka namin ng pusong nagliliyab Akala ng buong mundo na ito'y ilaw-dagitab Australia bushfire na pala, luha'y pumatak 'Di mapigilan ang pag-agos, luha'y dumanak Enero! Oo naaliw kami sa makukulay na paputok Napalitan ito ng lungkot nang Bulkang Taal pumutok BatangeƱo, CaviteƱo, maging mga hayop, nadama ang dagok Naipinta sa kanilang mukha ang sakit na talagang nanunuot Enero! Hulyaw nami'y tama na, 'di na masaya Dumagdag pa ang isang banta: Iran vs. America Mundong tinatapaka'y napakagulo 'Di maintindihan kailan kaya magkasundo Enero! sobrang sobra na ang lungkot na nadama 'Di na masisilayan ang ningning ng isang star Sa iyong pagkawala Kobe, buong mundo'y naghinagpis 'Di n...

Asotea vs. Social Media

Noon: Suyuan sa asotea Ngayon: Suyuan sa social media, Noon: Naghaharana sa bintana Ngayon: Voice clip sa messenger ang pakana Noon: Inaabot, mahalimuyak na bulaklak Ngayon: isang click, sticker na bulaklak Noon man o ngayon, sa anumang paraan Kung wagas ang inyong pagmamahalan Huwag itong ikahiyang ipaglaban. #JustLove

Magparamdam ka na . .

Kaibigan, ba't di ka na nagpaparamdam?  Pagmamahal mo ba sa aki'y napaparam? Kaibigan, ba't ayaw mo ng kumibo? Sa iyong di pagkibo, pagpintig nitong puso'y di rin kumikibo Kaibigan? Kaibigan? Kaibigan? Kaibigan? Di mo ba naririnig aking sigaw? ‘di ba abot ng iyong tainga aking hiniyaw? Kaibigan? Kaibigan? Kaibigan? Kaibigan? Wag kang magbingi-bingihan? Kaibigan? Miss na kita. Kaibigan, pls magparamdam ka na !

Halaga ng Piso

Buhay ng OFW, ‘di kaluwalhatian Sa puso nila’y dama ang kapighatian panibugho, pangungulila’t kalungkutan Sa araw ng kanilang paglisan. OFW sa Abu Dhabi, isang kasambahay Tagapagluto at tagapaglinis ng bahay Kaya naman ang katawa’y nangangalay Napawi ang pagod ng “dirham” ay ialay. Waiter at entertainer sa Japan Janitor at utusan pa sa isang tangggapan Talagang tinitiis ang kadukhaan “Yen” naman ang kapalit, ito’y kaligayahan. Sa pinas ‘di natiis ang pangangalakal ng yero Nakikipagsapalaran sa Kuwait, naging karpintero At tumatanggap ng “Kuwaiti Dinar” bilang kantero Sa puso ng anak siya’y isang “hero”. Nakapunta ng Amerika ngunit ‘di turista ‘Di rin lumipad upang mag-artista Ngunit siya’y caregiver, minsa’y inaalipusta Bahala na raw, dolyar na ito : panggasta. Dirham at yen ipinagpalit ng piso Dolyar at dinar malaki ang halaga nito sa piso Pinadala sa Pinas, maraming nagsusumamo Minsan nga’y may nagrereklamo. OFW ay ‘wag ninyong pagre...

Mga Salitang....

Mga salitang nais kong iparinig Mga salitang nais nang lumabas sa’king bibig Mga salitang sa aking puso’y pumipintig Mga salitang sa akin ay nagpapakilig Mga salitang nainip na dito sa’kin kaya gusto ko na talaga itong i-amin Ngunit ako’y nahihiya na ito’y sabihin Sapagkat ako ay babae man din Mga salitang sa puso ko’y nakakulong Mga salitang sa aki’y bumubulong “Sabihin mo na, habang may panahon pa” “Sabihin mo na habang buhay ka pa” Hindi ko kayang sabihin, isasatitik na lang “Mahal kita noon pa” I love you noon pa" “Gihigugma ta ka , dugay ra” Pero atik ra! haha

Babalik ka pa ba?

Babalik ka pa ba? Kung wala na siyang pagmamahal, Kung ang buhay niya’y ‘di kayang isugal, Kung hindi na siya magpapasandal Babalik ka pa ba? Sa taong ika’y sinuka na, Sa taong ika’y tinapon na, Sa taong ika’y walang halaga na Babalik ka pa ba? Sa taong walang awa, Sa taong madaling magsawa Sa taong walang hiya Babalik ka pa ba? Sana’y hindi na Babalik ka pa ba? Sana’y ‘di ka na tanga! 

Namana

Image
Father Saturnino Urios, Masasabi ko’y “kudos” Kabutihan mo’y namana nang lubos “Urians” tumutulong sa mga “kabus” Sariwa pa sa’king gunamgunam “Community Extension Service” sa Brgy. Mahay Mga alaala doo’y ‘di mapaparam “Pagtabang didto wa jud ko magmahay” Father Urios, noo’y ikaw ang tumutulong Ngayo’y kami’y may tulong-dunong Nasok sa’king isipan, doon sa Brgy. Pagatpatan Kami’y nagtuturo sa mga kabataan “FSUU” ako’y hinubog kaya pangarap nasungkit Ganap na guro ang sinapit “Maraming salamat” aking nasambit at patuloy kong mamanahin iyong kabutihan dito sa Earth!  Hi mga kabataan, ako po ay isang URIAN na handang magturo para sa inyong kabutihan - Teacher remang