Posts

Showing posts from 2017

Halaga ng Piso

Buhay ng OFW, ‘di kaluwalhatian Sa puso nila’y dama ang kapighatian panibugho, pangungulila’t kalungkutan Sa araw ng kanilang paglisan. OFW sa Abu Dhabi, isang kasambahay Tagapagluto at tagapaglinis ng bahay Kaya naman ang katawa’y nangangalay Napawi ang pagod ng “dirham” ay ialay. Waiter at entertainer sa Japan Janitor at utusan pa sa isang tangggapan Talagang tinitiis ang kadukhaan “Yen” naman ang kapalit, ito’y kaligayahan. Sa pinas ‘di natiis ang pangangalakal ng yero Nakikipagsapalaran sa Kuwait, naging karpintero At tumatanggap ng “Kuwaiti Dinar” bilang kantero Sa puso ng anak siya’y isang “hero”. Nakapunta ng Amerika ngunit ‘di turista ‘Di rin lumipad upang mag-artista Ngunit siya’y caregiver, minsa’y inaalipusta Bahala na raw, dolyar na ito : panggasta. Dirham at yen ipinagpalit ng piso Dolyar at dinar malaki ang halaga nito sa piso Pinadala sa Pinas, maraming nagsusumamo Minsan nga’y may nagrereklamo. OFW ay ‘wag ninyong pagre...

Mga Salitang....

Mga salitang nais kong iparinig Mga salitang nais nang lumabas sa’king bibig Mga salitang sa aking puso’y pumipintig Mga salitang sa akin ay nagpapakilig Mga salitang nainip na dito sa’kin kaya gusto ko na talaga itong i-amin Ngunit ako’y nahihiya na ito’y sabihin Sapagkat ako ay babae man din Mga salitang sa puso ko’y nakakulong Mga salitang sa aki’y bumubulong “Sabihin mo na, habang may panahon pa” “Sabihin mo na habang buhay ka pa” Hindi ko kayang sabihin, isasatitik na lang “Mahal kita noon pa” I love you noon pa" “Gihigugma ta ka , dugay ra” Pero atik ra! haha

Babalik ka pa ba?

Babalik ka pa ba? Kung wala na siyang pagmamahal, Kung ang buhay niya’y ‘di kayang isugal, Kung hindi na siya magpapasandal Babalik ka pa ba? Sa taong ika’y sinuka na, Sa taong ika’y tinapon na, Sa taong ika’y walang halaga na Babalik ka pa ba? Sa taong walang awa, Sa taong madaling magsawa Sa taong walang hiya Babalik ka pa ba? Sana’y hindi na Babalik ka pa ba? Sana’y ‘di ka na tanga! 

Namana

Image
Father Saturnino Urios, Masasabi ko’y “kudos” Kabutihan mo’y namana nang lubos “Urians” tumutulong sa mga “kabus” Sariwa pa sa’king gunamgunam “Community Extension Service” sa Brgy. Mahay Mga alaala doo’y ‘di mapaparam “Pagtabang didto wa jud ko magmahay” Father Urios, noo’y ikaw ang tumutulong Ngayo’y kami’y may tulong-dunong Nasok sa’king isipan, doon sa Brgy. Pagatpatan Kami’y nagtuturo sa mga kabataan “FSUU” ako’y hinubog kaya pangarap nasungkit Ganap na guro ang sinapit “Maraming salamat” aking nasambit at patuloy kong mamanahin iyong kabutihan dito sa Earth!  Hi mga kabataan, ako po ay isang URIAN na handang magturo para sa inyong kabutihan - Teacher remang

Dengue

Image
Nagawa ko ang tulang ito noong Disyembre, 2015. Simpleng handaan sa kaarawan ko! Galing pa ako sa ospital niyan. Na-dengue po kasi.  Buwan ng Disyembre Sinalubong ako ni Dengue Sana nung tumuntong ang alas dose,  nagpost ako ng "December pls. Be good to me". Dinala ako sa lugar na walang bintana, Ang outside world aking inaalintana, Aking lesson plan kumusta na kaya? Sa SPET A, ang sabon nagawa na kaya? Isipan ko'y hindi payapa Lalo pang platelet ko'y bumaba pa, Tataas pa ba ito? Kailan pa? Mama : "inum lge daghan fluids, para mutaas na na" Boom, boom, ! Ako'y nagulat, Unsa man to? Paputok pala, "Wala pa my pasko" "Mag.birthday pa gali ko" Halaka uy, pauli.a na ko Doctor : Tumaas na ang platelet mo, Maaari ka ng umuwi sa bahay mo, Yay! Ma.eevict na ako sa Pbb house Makikita ko na ang outside world, sa wakas Payapa na ang aking isipan Salamat sa Diyos hindi ako pinabayaan, Ngayon ako'y baynte na. Hiling ko'y " sana wal...

"A"

Image
"A" for Arem po Aremango palayaw ko Ay! Huwag pong malilito Ako po'y 'di alimango "A" for "Amazing" po "Amazing" ang mukha ko Ay! huwag po kayong malilito Ang mukha ko po'y 'di plato "A" for "Ang ganda" po "Ang ganda!" maganda si Arem 'di ba? Ay! Huwag po kayong tumawa Magagalit si Bathala!